Oh .... wait ... It's mine ... hahaha =) ...

Sunday, November 28, 2010

Slash: you're not pretty, I don't want to be your friend

oh shit! ... akala ko talaga pagtapos ko magreklamo sa mga kaibigan ko tapos na 'to ...
... ndi pa pala.

at dahil may less than 24 hours na lang ako para mag sulk ... (oo dahil binigyan ko lang yung sarili ko ng 72 hours para mag dwell sa bagay na to)

mag ra rant na lang ako ngayon.

... akala ko lang kasi talaga kahit konti naging magkaibigan tayo e.
kung merong tao na mag lu-look past sa physical appearance at mag a appreciate ng tao for what they are ... naisip ko na ikaw yun.

naalala ko lang yung araw bago ko ma realize na gusto nga kita ... may babae sa kabilang section na nagpaabot ng love letter para sa'yo ... tinukso ka pa nga nung mga classmate nten e. ... tpos ngumiti ka lang, inabot mo yung letter ... tpos hindi ka pumayag na basahin yun ng iba. sabi mo sakin nun gusto mo mabasa kaso hindi mo babasahin kasi baka ma-confiscate ng teacher tpos mapahiya yung babae ... tpos sabi ko edi sa washroom mo basahin ... kaya dun mo nga binasa ... ayun, umamin sya ng feelings nya sayo ... kaso hindi mo sya gusto ...

kanya kanya naman tayo ng preference e ... ang ikinatuwa ko lang sayo nun e ... yung hindi mo pag iwas sa kanya ... yung naging nice ka pa rin sa kanya ... naisip ko nun ... nakakatuwa naman 'tong taong to ... ang bait.

na creep out ka sken? ... ano bang mas creepy, kung yun man yung gsto mong itawag dun ... love letter sa stationery o less than 10 words na comment sa facebook?

... ee kaso ganun pala talaga e. ayaw mo na nga sken, tpos hindi pa 'ko maganda ... tpos ... bata ka pa???

hindi rin naman sya pretty e. hindi mo rin sya gusto tulad nga ng sabi mo. tpos mas bata ka pa noon.

hindi ako upset na hindi mo 'ko gusto ... naka move on na 'ko sa fact na yun e ... nakaka upset lang na hindi mo 'ko gustong kaibigan dahil sa ganun kababaw na dahilan ...

pero ... salamat na rin ...
salamat dun sa mga panahon na alam na alam mo yung mga bagay na dapat sabihin at kung kailan sila dapat sabihin para maging okay yung pakiramdam ko ...
salamat na rin sa mga advice ... dahil naka tulong naman talaga sila sken ...

salamat dahil nung high school, isa ka sa mga nakatulong para ma overcome ko yung mga insecurities na ganun ... for some reason, you made me feel that there'll be people who'll care about me even if i'm not the prettiest girl on earth. ... or even if i'm not pretty at all.

mali pala na inisip ko na magiging isa ka sa mga yon ...
oh well ...
ganun talaga ...

naisip ko lang ... ang rejection ... kahit gaano pa yan ka-gentle i-break sa isang tao, rejection pa rin yan ... masakit pa rin kahit bali baliktarin mo pa yung mundo ...

pero okay lang naman sakin yun ... okay lang na hindi mo 'ko gusto ... masakit lang na hindi mo 'ko gustong kaibigan ... at mas masakit pa dun ... e yung dahilan kung bakit ayaw mo.

you're one of the nicest people i know ... despite this crap ... i still think that you are ... maybe just not to me. ... naniniwala rin naman ako sa nice akong tao ... i care about a lot of people but i only love few ... tpos meron ding sadyang hindi lang talaga nag e exist sa mundo ko ... siguro ganun lng ako sayo ... non existent.

oh well ... it sucks that i can't say we're not friends anymore .... because apparently, we never were.

No comments: