craziest idea i had last year ... or probably ever!
"I WANT A BABY"

HELLO! I AM BABY NATE :D
...
ewan ko ... siguro ngayon lang 'to.
kasi maliit pa sya. hindi pa makulit.
siguro magbabago rin yung isip ko pag balik ko next year tapos hindi nya na 'ko kilala at isa na rin sya sa mga makukulit na batang wala nang ginawa kundi magtakbuhan ng magtakbuhan.
damn, parang kelan lang isa ako dun sa mga bata na yun. at isa sa mga batang kasama ko 'e mama na ng baby na 'to ngayon.
ang weird lang na lahat ng naging kalaro ko sa probinsya 'e pamilyado na ngayon.
well, ... hindi naman weird tlga. normal naman yan sa lugar na yun e.
hindi ako ganun kahilig sa mga bata ... or should i say hindi mahilig yung mga bata sakin.
never ko na imagine yung sarili ko na mag iisip ng ganito ... well at least hindi ganito kaaga.
ewan ko, siguro nagsawa lang ako sa kaka alaga ng mga pamangkin ko nung mga panahon na ang gusto ko lang naman gawin sa buhay 'e tumakas papunta sa ilog at magpasimuno ng kunya kunyariang "adventure" nmen ng mga kalaro ko.
ang kupal lng kse talaga pag ikaw sa magpipinsan yung pinaka bata ... at for some reasons yung mga pinsan mo na naisipan magka anak habang teenager pa lang sila e iniisip na obligasyon mo bilang 10 year old na bata ang alagaan ang mga anak nila habang sila ... well, ano nga bang ginagawa nila nun? ... i wouldn't know.
ang hindi ko matagalan 'e yung sound ng iyak ng bata. nakakataranta e. ... lalo na kung hindi mo na alam kung ano pa ba yung gusto ng damuhong bata dahil binigay mo na lahat ng available na laruan at pagkain nag iinarte pa rin.
pero iba 'tong bata na 'to. ... nakakatuwa lang. buong time na hawak ko sya hindi man lang sya umiyak kahit konti ... tawa lang ng tawa. tpos nakayakap lang sya sakin as if na re recognize nya 'ko.
tpos napatingin ako sa kababata ko. sobrang payat. kakagaling lang sa sakit. 20 pa lang sya, hindi nakatapos ng high school, walang trabaho, walang asawa dahil abusive ung tatay ng anak nya pati yung buong pamilya nung walang hiya, at 2 na ung baby nya.
naalala ko tuloy ung last time na nakita ko sya 7 months na yung tyan nya pero mukhang 3 pa lang. sinubukan nyang ilaglag ung baby kasi alam nya na hindi nya na kaya.
tapos sabi ng ate nya sakin ... alam mo camille, masarap magkaron ng anak kung mahal ka ng anak mo. tpos sabi ko: 'ang cute cute naman ni baby Nate ... sama ka na sakin sa manila.' well sinasabi ko naman palagi un pag may cute na baby dun ... pero i never really mean it ... well, except dto. ... sabi pa nung ate nya o cge daw iuwi ko kahit isang buwan lang. tpos nakita ko yung ngiti nung kababata ko ... yung painful na ngiti ... ung expression na sa mga nanay ko lang nakikita.
hindi totoong sobrang broke ako ... meron pa kong natitirang pera ... pero pinili kong iwan para siguradong hindi aq maging magastos ... dahil magastos ang ma bore ... lalo na sa lugar na un.
sana pala dinala ko ... ung pera na un maiipon ko pa naman ulit sa pasukan un e. ... kung dinala ko lang sana ... 3 latang gatas na rin un para kay baby nate ...
200 lang ung nabigay ko kasi un lang ung dala ko ... pero nung binigay ko sa kanya un ... kakaiba ung pag light up ng mukha nya ...
ano kaya kung hindi ako nag shift ... edi sana graduating na rin aq sa march ... edi sana mas maaga ako mkakapag trabaho ... can't help but think: .... kaya ko kaya un ... kaya ko kaya ung responsibility ng pag aalaga sa isang tao kung mag alaga nga ng aso kinakatakutan ko pa ... kung ung simpleng halaman nga natutuyo ko pa
baka ito na yung ultimate motivation n Kailangan ko
... kaya pa kaya nung kaibigan ko mag palaki ng isa pang anak??? ... kung hindi na ... would she want me to help?
gusto ko sanang sabihin sa kanya na pag nagka trabaho aq at hindi nya na kaya ... okay lang sakin kung aq ung mag aalaga kay baby Nate ... kaso ... ang tanong e ... okay ba sa kanya? ...
fuck ... ang selfish ko ... pano ko ba naiisip 'tong kalokohan na 'to ...
superman complex nanaman ba 'to?
... ewan ko ba ... parang bgla ko lang nagustuhan ung idea na pagkagaling ko sa trabaho may bata na naghihintay sakin para magpatulong gumawa ng project nya or ng assignment. tpos ilalatag nmen ung mga notebook nya sa coffee table para i check kung anong ginawa nya sa school tpos proud na pround syang ipapakita yung mga tatak na star sa braso nya. tpos pag birhday ko or kung ano mang okasyon yan ... makakatanggap ako ng bond paper na finold sa apat tpos may drawing at sulat gamit crayons.
natutuwa ako sa idea ... pero somehow disturbing sya ... hindi ako dapat maging selfish ...
ewan ko ba ... siguro hindi ko naman dapat sine seryoso to ... phase lng to ... cguro nga phase lng.
pagkalipas ng ilang buwan ... mare realize ko ulit ung isang bagay na matagal ko naman na talagang na realize ...
hindi ko kayang maging responsible para sa buhay ng kahit sino or kahit ano ... sensient man yung creature na un o hindi ... dahil i'm pretty messed up myself ... at hangga't hindi ko pa na fi-figure out kung pano aayusin yung sarili ko ... wala akong karapatan mag isip ng ganito
FUCK! this is weird :/
No comments:
Post a Comment