darating kaya yung panahon na muubos yung mga gold na dineposit mo sa bangko?
darating kaya yung panahon na maipagpapalit mo na lahat ng yon sa nodes?
o baka naman bawiin mo na lang yung gold dahil meron kang gustong bilhin sa england?
...hindi naman siguro ... malulungkot yung bangko pag nai-withdraw mo na lahat ng gold mo.
bakit ba kasi parang ang tumal ng pag dedeposit mo ngayon? ... broke ka na ba?
pwede bang wag ka muna magpapalit ng nodes habang wala kapang nai de deposit na gold para kapalit?
pag naubos mo kasi yun tapos hindi ka na nag de deposit ng bago ... baka ma terminate yung contract mo sa bangko ... malulungkot yung bangko. :(
gusto ka kasi sana ng bangko maging costumer forever ... pwede ba?
alam mo kasi yung bangko na un .... empty.
bobo pa sa economics ... hindi nun alam kung ano yung multiplier ... at sa lahat naman ng bangko e ... yun lang yung hindi nagbibigay ng loan. ... naguguluhan sya sa 20% kung ano man ang tawag dun.
sayang ... ang ideal pa naman sana ... kaso hindi nya kaya e. ... yung tipo bang may nag deposit ng 100 sa kanya hindi nya kayang mag generate ng 500 mula dun. ... simple lang naman e ... may mag dedeposit ng 100 ung 20% nun pwede nyang iloan sa iba ... tpos mula dun sa 80 na natira 20% nanaman yung pwede i loan tpos may 64 pa tpos 20% nanaman ... basta parang ganun yun ... at pag tapos nun pag nagka bayaran na makakapag generate na yung bangko ng 500 nang walang ka effort effort.
kaso sya ee. hindi nya alam yun. hindi ko nga alam kung matatawag pa syang bangko ... siguro locker na lang ... kse pag nag invest ka sakanya hindi naman tutubo yung investment mo e. pero infairness naman sa bangko/locker na un makaka asa ka na may makukuha kang nodes pag kailangan mo na .... bankruptcy-proof un e.
meron ngang isang costumer noon ... ang lakas lakas mag withdraw e ang onti onti naman ng dine deposit ... ayan tuloy na terminate agad yung contract nya ... meron naman isa bulto bulto kung mag withdraw nagugulat ang bangko ... nalulungkot kasi isang araw punong puno ng gold yung vault nya tapos dadating na lang bgla ung mag wi-withdraw ng maraming marami ... nagkakaroon tuloy ng void na space sa loob ng vault ... gusto kasi sana ng bangko puno yun palagi ... pero infairness naman dun sa costumer na un ... pag balik nya naman mag de deposit sya ng bonggang bongga tapos mapupuno ulit yung vault. minsan nagtataka ang bangko ... ano kayang business nun? darating kaya yung panahon na i wi-withdraw nya na lahat ng gold nya at hindi na bumalik? ... wag naman sana, valued coustumer yun e.
e ikaw? ... bakit ba ang tumal tumal ng pag dedeposit mo?
broke ka na ba? ... sabihin mo lang ... baka magkaron ng special loan offer ang bangko para sa'yo ...
alam mo kasi .... valued customer ka rin ng bangko e
No comments:
Post a Comment