... 2007
two weeks ago ... last year...
nanonood ako ng play, hindi 'ko ma-appreciate kasi ikaw yung iniisip ko.
iniisip ko, kailangan ko nang umuwi, kailangan kitang makita ...
gusto ko kasing sabihin na MAHAL KITA ... bago pa mahuli ang lahat.
maganda sana yung play, kaso wala naman akong naintindihan, kasi nga ... iniisip kita.
nung isang araw lang dalawang exam yung pinalagpas 'ko dahil sa wakas, darating ka na.
hay! palagpasin ang exam ... isang bagay hinding-hindi 'ko gagawin ... pero nagawa ko ... masaya ako na ginawa ko ... ilang taon na rin kasi mula nung huli kitang nakita, nakausap, nayakap ...
di ako mapakali sa buong byahe ... hinding hindi ko makakalimutan yung hitsura ng bus na halos walang laman nung sakyan 'ko ... hindi ko naisip na posible pala yun.
nagkamali pa nga ako ng sakay e' ... wala akong pakialam, basta ang importante makikita na kita.
pagbaba ko ng jeep tumakbo agad ako para makarating na agad ... wala 'kong pakialam kahit habulin pa 'ko ng mga aso ... basta ang alam ko makikita na kita.
pero bakit ganun, kararating ko pa lang paalis ka na agad ...
gusto ko sanang sumama kaso sabi nila hindi daw pwede ...
ngayon eto na nga ... katatapos lang ng play. lumabas agad ako ng theatre, diretso sa main gate, liko sa lerma, sakay ng bus ...
halos mag didilim na ... kinakabahan na 'ko ...
baka hindi ko na maabutan yung sasakyan na magdadala sakin papunta sayo.
parang gusto ko nang umiyak ...
hindi ako pwedeng magpaiwan ...
nakarating na rin ako, humahangos, hinihingal ... kakatakbo ...
buti na lang hindi pa nakaka-alis.
.... pagka-lampas sa ilang syudad, NLEX, palayan, syudad ulit, baryo, plaza, mall, syudad nanaman, palayan ulit, bangin, tulay, lahar, tulay ulit, simbahan ng iglesia, maliit na tulay, palayan nanaman, palengke , maliit na subdivision ...
sa wakas ... makikita na kita ...
pinuntahan ka namin sa kwarto mo tulog na tulog ka pa ...
gusto ko pa sanang mag-stay kaso kailangan ko munang umuwi sa bahay.
... bukas, dadalaw ulit ako, ay hindi mamaya na lang ...
nandito na 'ko ... kasama na kita, gusto ko sanang sabihin "alam mo ba? mahal kita." ...
pero ayaw lumabas ng mga salita ...
kaya ipaparamdam ko na lang ...
hindi ako aalis, dito lang ako. sa tabi mo.
ayokong matulog ... ayokong sayangin yung oras ko sa pagtulog lang ...
kasi sobrang dami na nung mga oras na sinayang ko ...
para magalit, para magtampo ...
ilang beses ba na pinalagpas ko yung pagkakataon na makausap ka? ... dahil lang sa wala akong maisip sabihin o may ginagawa akong iba.
ilang sulat nga ba yung pinili kong wag isulat dahil lang sa pangit ang sulat kamay?
ilang "mahal kita" ba yung pinili kong wag sabihin?
sayang talaga, dahil 'di ko na maibabalik yun ...
kaya ngayon ipapakita ko na ...
sige lang, matulog ka lang ... alam 'kong pagod ka na ... maglakbay, at lumaban sa takbo ng kapalaran ... kaya sige na ... matulog ka lang ... babantayan kita ....
wag kang mag-alala kung malamig man ngayon ....
hahawakan ko ang kamay mo ...
wag kang mag-alala kung nahihirapan ka mang mag-salita ...
naiintindihan 'ko, alam 'kong pagod ka na ...
salamat sa mga ngiti mo,
salamat sa mga naituro mo,
salamt sa pagaalala mo noon, nung mga panahong wala akong pakialam.
salamat sa mga alaala na dahil sayo, naging masaya
higit sa lahat salamat ...
dahil kahit hindi ko man nasabi ...
alam mo pala na mahal kita
... hinding hindi ko makakalimutan dahil yun ang mga huling sinabi mo ....
sakin, samin isang linggo bago ka tuluyang magpaalam ...
mahal nyo pala ako ...
ngayon na nasa taas ka na ... kasama nya ...
alam ko na babantayan mo pa rin kami, ako ...
lolo, kumusta naman dyan? ... para sa'yo 'to
No comments:
Post a Comment