Oh .... wait ... It's mine ... hahaha =) ...

Tuesday, August 5, 2008

nasan na ang "happy" sa HAPPY BIRTHDAY ko???

tenent-tenententen ...
happy happy happy birthday!!!!


hay birthdays! ...
kung bata ka pa ma e-excite ka sa araw na yan
pero kung tamatanda na ... hay nku!

pero ano ba tlgang meron sa birthday?, bakit ba nagiging special?

noon iniisip ko na may cosmic law or something na nagsasaad na dapat masaya ka pag birthday mo ...

ewan ko ba ... lagi kong iniisip nun na pag birthday ko, pinagbabawal ng saligang batas na malasin ako twing sasapit ang itinakdang araw na iyon ...

SPECIAL AKO TUWING AUGUST 5!!!
araw ko yun! akin, kaya dapat ako ang itinatangi at pinagpapala!!!

high school na q nung napagtanto ko na ilang bilyon pla kaming nag be-birthday sa araw na yon ... pano na yan? ... pano pa 'ko itatangi ng kataastaasan nyan?

medyo nabahala ako nung una, kaso na-realize ko ... problema ba yun? ... edi mag share! .. lahat na lng kami natatangi ... edi everybody happy!!!


kaya ganun, hindi ko pa rin tinigil yung pantasya ko na itinakda ng panahon na maging espesyal kami, kami na nag se-celebrate ng araw ng kapanganakan namin!!!
taon-taon inaabangan ko 'tong araw na 'to umaasa na may magandang mangyayari ...
something unusual, ung tipo bang magiging one exciting twist, twist na babago sa lahat.

pero taon-taon din i end up being disappointed ...
masaya, pero parang laging may kulang pa
meron akong hinahanap pero di q alam kung ano ...

naaalala ko,
yung 16th b-day q pinuntahan q ung mga barkada ko ... nag-celebrate kami kahit sandali lang ... masaya ako nun ... pero pagkatapos, parang may kulang pa ...
kaya ayun natapos ang birthday ko na disappointed ako at nagtataka, nagiisip kung ano ba ung kulang ...

yung 17th b-day ko naman, nangangarag ako habang nag e-exam sa U.P. exam na nakatulugan ko rin naman ... kaya ayun ang ending bagsak! ...
dahil alam ko na disaster ang exam ko ...
natapos ulit ang itinakdang araw na malungkot ako at disapponted

18th b-day naman ... ayun, libing ni lolo ... halos itinulog ko lang ung araw na un ... di kse aq makakita ng dahilan para mag celebrate pa ... wala man lang ni isa sa mga barkada ko yung kasama ko ... gusto ko sana andun din sila ... para kahit pano
sumaya ako kahit konti lng ...
ayun, natapos ung ar aw na un na pagod, mugto ang mata, malungkot at disappointed nanaman ako ...

eto na nga ...
19th b-day ko ... nakakatawa dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa cosmic law na gawa-gawa ng utak ko ...
ayun, masaya naman ako ... masaya ako pero malungkot din ... feeling ko may kulang pa
lagi na lang may kulang ...


nakaka-lungkot ... cosmic law, cosmic law!
ilang taon din akong umasa sayo ...
para akong gago!
kasi hanggang ngayon naniniwala pa rin ako cosmic law na yan
at na di-disappoint ako dahil dun ...

na-realize ko lang nung may nagsabi sakin na hindi espesyal ang birthday!
isang araw lang un sa kalendaryo na nagsasabing HOY TUAMATANDA KA NA!!!

na isip ko ... oo nga noh!
sa wakas, after 12 yrs nalaman ko na rin kung ano ung nawawala ...

ano nga ba un???

.
.
.
.
.
.
.
.
.

edi wala!
masyado lang akong maraming ine-expect
kaya parang laging may kulang

pumunta ko sa office ni mama hoping na swerterhin ...
tae! wala pa rin ...
umuwi ako ... chineck ko yung cellphone ...
walang man lng nag text!
cguro nga ... talagang ndi totoo ang cosmic law!

kaya umupo ako sa isang tabi ... nagisip saglit ...
at napag desisyunan ko na kalimutan na ang cosmic law

LINTIK KANG COSMIC LAW KA!!!
YOU TOOK AWAY "HAPPY" IN MY HAPPY BIRTHDAY

No comments: