reunion=fail
october ... :'(
hhhaaaaayyyy.
simula nung ma realize ko na nangalahati yung grupo nten pagtungtong ng high school pinagpla planuhan ko na yung magiging reunion nten. ... yung tayong lahat. ... parang katulad nung grade 6. ... after 8 long years hindi pa rin mangyari yari ...
bakit naman sa october pa? ... kung kelan naman busy kameng lahat?
you know i'll always make time for you ... kaso ... imposible ang october.
akala ko naman kse december or march pa ... :(
sana sa march na lang .... that would be perfect ... gra graduate na silang lahat by that time, wala nang may duty, tpos na rin yung mga may tri-sem, tpos na feasib ... tpos na silang lahat.
well ... ako na lang ata yung matitira sa college malamang ojt ng oras na un ...
pero hindi naman siguro makakasakit yung isang araw diba?
isang araw na kasama kayong lahat. ...
ano ba kasing problema ng universe at parang lagi na lang may hindrance sa pagkikita kita nteng lahat?
nami miss ko na yung mga panahon na na o occupy nten ung isang long table sa cafeteria na parang laging last supper pag andun tayo, tpos para lang tayong tangang maghahabulan paakyat sa room at sabay sabay sasakit yung mga tagiliran nten dahil sa sarili nteng katangahan.
nami miss ko rin ung mga panahon na naglalaro lang tayo ng batuhang bola gamit yung mga shoe cover nten tpos mayayari sa teacher yung may ari kapag napunta sa bubong ung shoe cover.
yung pagkakalat nten ng face powder sa sahig para mas masaya ang paglalaro ng jackstone kahit pagkatapos nun parang inamag na lumot na ung kulay ng mga skirt nten.
nami miss kong umalis sa bahay ng 7:00 am para makipag kita sa mas malayong 7/11 para lang mag jeep ulit pabalik sa school ... para wala lang, ... magkasabay lang tayo pumasok.
nami miss ko yung parang gomang tokneneng sa canteen yung parang 1000 years na nka preserve sa sobrang kunat.
nami miss ko yung mocha java, isa sa mangilan ngilang matinong pagkain na mabibili sa school.
yung mga jollibee table na pinagtatambayan nten, yung bridge na nagdudugtong sa HS at grade 6 building kung san tayo nagkwe kwentuhan ng mga ghost stories, yung rail ng hagdan kung san ako nag i islide pababa, yung batuhan ng ice tubig sa back gate every last day, yung mga color coded na ribbons na kailangan nasa ulo nten (joke lang hindi ko nami miss yun) tipong kahit mukha namang maton ung ibang batang babae pinipilit pa rin silang pag suotin ng ribbon sa ulo na tila ba ipang reregalo sila. ...
na excite ako nung nakita ko sa post ni cj na uuwi sya this october ... until ma realize ko na si harmony at khams may duty, si jo at hannah may feasib, quarter sem si heids finals nila sierra, jusette, karah at joyce tpos may baby pa sya ... :((
bakit ba kasi kailangan nteng maging busy??? ... alam ko naman kung bakit ... pero ...
still, .... it sucks!
kailangan ... ndi naman ... GUSTONG GUSTONG GUSTO ko lang kasi kayo makita ulit. ...
gsto ko ng hug galing sa bawat isa sa inyo. ...
tae. ... :(( naiiyak ako. ... bakit nga ba 'ko hindi naiyak nung graduation??? nagsisisi tuloy ako. during the ceremony i kept wishing for it to please be over. ... ang init kse e ... ang haba haba pa ng listahan ng loyalty awardees ...
sana uso na yung digicam noon ... :'(
kahit nakakahiya ako sa mga studio pics nten tinatago ko pa rin yun ... kse yung lang ung picture ko kasama kayo ...
nakaka miss mang raid ng bahay ng may bahay at mang angkin ng mommy ng may mommy at daddy ng may daddy ... nami miss ko si daddy ni jusette pati si ate owa, ama at ina ni sierra, mommy ni harmony at natatakot pa rin ako kay tita gemma.
dahil miss na miss ko na talaga kayo ... sasabayan ko na lang 'tong cleaning out my closet tulad ng ginagawa ko nung grade 6 na pinapakinggan nyo naman patiently ... na sa totoo lang hindi ko alam kung pano nyo natiis ... love nyo lang talaga siguro ako. :D
makikinig na rin ako ng can't get you out of my head dahil naaalala ko yung hot na pagsali ni hannah sa dance sport...
No comments:
Post a Comment