Oh .... wait ... It's mine ... hahaha =) ...

Monday, April 25, 2011

interest

"ikaw yung kinuha nila. malamang may nakita sila sayo. hindi ko alam kung ano, hindi ako magpapanggap na alam ko. ... ... may nakita sila sayo."

hindi exact words .. pero malapit na rin. akala ko sapat na yang pep talk na yan para itawid ako sa internship kahit mag isa lang ako ... haha ... ndi pala.

nung tinanong ako ng kuya ko kung sakaling ako yung kunin nila ... ano kaya yung meron sakin na wala sa kanila ... walang pag aatubili kong sinabi na "INTEREST" ...

gustuhin ko mang maniwala na meron pang iba ... parang ang hirap lang kasing makita. siguro kse sinabi kong open ako sa criticism. dun ako unang nakakita ng positive na response habang binabasa nya yung mga sagot ko sa exam ... totoo naman e. i can take it. ... well, minsan masasaktan ako ... depende sa delivery ... pero pag naintindihan ko naman yung punto tatanggapin ko yun ng maluwag sa puso ko.

na excite akong umuwi nung gabi na tinawagan ako. ... bihira lang kasi ako manalo/mapili sa kahit ano (kahit cake raffle man lang) ... siguro nga pinili lang nila ako dahil ako naman talaga yung interesado at ndi lang basta nag settle sa kanila ... still ... pinili nila ko ... ndi naman alam ng iba na un ung dahilan e ... kahit konting oras lang. gusto ko sanang isipin na may napanalunan ako.

tapos pag uwi ko excited pa 'kong ikwento sa tatay ko ... kaso ang sabi nya lang. "e sila Mads?" -"e isa lang po yung kinuha e." -"bakit ikaw??? anong meron ka na wala sila?." *sa isip ko "INTEREST" ...

"e baka kaya sya yung natanggap kasi first choice nya yun"
"nagulat nga ako na ikaw e. ... wag ka magagalit ha."

interest ... un lang naman tlga yun e. nakakalungkot pero ... napatunayan ko rin na un nga lang un.

okay lang naman e. it's not like hindi ko naisip yun. manggaling sa ibang tao ---okay lang, pero ewan ko ... somehow masakit pag galing un sa taong supposedly proud sa'yo no matter what.

naaalala ko yung mga panahon na kahit sobrang lakas ng ulan kailangan akong ihatid sa school dahil may monologue contest akong sasalihan. nung mga panahon na pinagkakalat nila sa mga kaibigan nila na magaling ako sa math (hahaha) nung mga panahon na .... oh wait ... yun na pala yun.

i'm tired of letting people down ... or at least i'm tired of thinking that i'm letting people down. ... turns out i dont have to worry anymore. 'cause apparently no one's expecting anything from me ...

naaalala ko nung isang araw na maaga ako umuwi ... nainis yung tatay ko sa pinag i intershipan ko. "bakit hindi ka na lang nila hinayaang maupo dun ... grabe naman sila."
nakaka lungkot na pakiramdam ko wala silang pakialam.

... nakakalungkot na ang gusto lang nila matapos na yung internship ko even if that means mauupo lang ako at tutunganga sa office ... basta matapos lang ... nakakalungkot na habang stressed out ka dahil nangangapa ka sa ginagawa mo makaka receive ka ng text "umuwi ka ng maaga. walang mag luluto." tapos dadating ka sa bahay mo ng past 8 ... the hell! ... frozen pa yung karne ... tpos kung past 10 ka matapos magluto kasalanan mo yun!

nakakalungkot yung pakiramdam na hindi sila interesado ... para akong si Gupta ng Outsourced.

hindi ko na naiintindihan yung nararamdaman ko ... habang tumatagal pababaw na lang ako ng pa babaw ... nagiging overly sensitive ... nagiging ... Emo!

bakit hindi N'YO(mo) niligpit yan? bakit hindi N'YO pa yan tinapon. nagkalat nanaman KAYO. punasan N'YO to. magluto KAYO. blah blah blah blah blah ...

camelia, camille, mimi, mimay, ate, ppssttt oi! lahat na ... naiinis ako pag naririnig ko yung pangalan ko dahil alam kong utos nanaman yung kasunod nun .... okay lang yung utos e ... okay lang tlga ... it's not like inaalila ka nila .... lahat naman may fair share ng trabahong bahay e ... oh wait ... except sa hari at sa emperor ... tang ina bumabalik nanaman ako sa sentimyentong 'to ... tapos na to ah! ... okay lang na utusan ka ... ganun tlga ang buhay e ...

nakakapagod lang na uutusan ka palagi hindi pa nga natatapos ung isang utos sayo meron nanaman tapos may instant na reklamo na gad sa trabahong ndi mo pa nga tapos gawin ...

ano ba namang klaseng pagpunas yan. bakit hindi pa tapos lutuin yan. fuck ... nakakapagod maging mali sa halos lahat ng bagay na ginagawa mo.

nakakapagod yung pakiramdam na parang may law yung universe na nagsasabing bawal kang manalo ng kahit ano or maplili sa kahit ano unless it's by default.

nakakalungkot yung pakiramdam na upsetting para sa ibang tao na for once maging mas mataas ka sa kanila. kahit sa isang bagay lang.

HS math exam:
"Miss ano to??? bakit ito lang yung score ko ... grabe naman bakit mas mataas pa sken si camille?"

make up class sa chemistry:
"congratulations camille, highest ka!"
"hala!!! bakit? ... e kaya lang naman sya mataas kse nkapag aral sya kami hindi."

parang gusto ko sabihin ... "bakit, bawal ba???"

siguro kung napa aga aga lng ng konti ung paglaganap ng emo-fever malamang napasama na 'ko dun (oh well ... ano kaya ako ngaun mismong oras na to) ...
alam mo yung feeling na clinaim na ng lahat na bobo ka ... na nakakainsulto na sa pagkatao nila pag meron kang alam na bagay na ndi nila alam ... nakakalungkot ... pero may isang taong tumabi sken, ngumiti tpos sabi "bakit? natatakot ka sa kanila? .. yaan mo gawin mo lang yung pinapagawa sayo ... i'll defend you." (exact words) sya rin yung nagsabi na "nu ka ba! don't put yourself down. banatan kita jan e!"

he was .... sort of my savior ... sa harsh world ng high school ... meron akong "kaibigan" na laging anjan para i-boost yung morale ko. pag kailangang kailangan ko tlga ... binilhan nya pa 'ko ng ice cream nung panahon na iniisip kong mag quit sa journalism at mag take na lang ng course sa tesda ... pero ano? ... nalaman nya na gusto ko sya .... ayun ... pooff! nawala na ... para na kong naging creepy online stalker na wla naman tlgang kinalaman sa kanya ... well at least that's how i felt.

fuck! ... hindi ko na alam kung ano bang pinagsasasabi ko dito ... hindi ko alam.

malungkot lang siguro ako ...
...

nami miss ko siguro yung mga kaibigan ko ...
napapagod lang siguro ako ...

malamang bukas wala na rin 'to ...

1 comment:

Anonymous said...

Never mind them. The thing is, one of the clearest manifestations of insecurity is the undesirable attitude of putting people down. Damn insecure beings. As for your family, you must let them know about your sentiments.

This internship is good for you. YOU KNOW THAT. Sorry for not communicating with you lately... I know you understand. See you soon (whenever that will be). We'll drink until you recognize that some of your sentiments are trivial. :) Cheers, man.