ang nakakabwisist sa mrt, parang hell palagi. ang init, ang daming nag tutulakan, walang pakialam yung mga tao sa ibang tao. basta iisa lang ang gusto nilang lahat --ang makarating sa kanya kanyang destinasyon.
Nung high school pa lang ako pangarap kong makapasok sa school na may malapit na train station. basta, pangarap kong maging mode of transportation sa buong college life ko ang train.
Kaso wala e. sadyang hindi talaga para sken ang mag train. unang sem ko sa college, bus ang sinasakyan ko ... hanggang sa nakatuwaan ko na rin. Still, pinapangarap ko pa rin mag train. Ewan ko ... feeling ko lang nakakatuwa.
Nung lilipat sana ako sa PNU akala ko katuparan na ng mababaw kong pangarap. makikitira sana ako sa bahay ng pinsan ko at mula dun, mag tr train na ako papasok at pauwi.
Kaso hindi talaga para sakin e. Pag lipat ko sa Manila Times balik bus nanaman ako. Tapos nakita kung gano isinusumpa ng mga kaibigan kong nag tr train ang pagsakay sa train. na kung may choice lang iibahin nila ung mode of transportation nila. kaso wala e. walang tatalo sa bilis ng train. ... unless may jet sila. ... pero ... minsan kse super FAIL ang train. ... sa bagay ang bus din naman ... lalo na kung nasiraan sa gutna ng highway or nabangga.
habang sila nahihirapan ako wala lang, hahabol habol lang sa mga bus na dumadaan sa lawton ... pagtapos nun, pwede na kong matulog at mag relax sa buong byahe.
After nun hindi ko na kinaiinggitan yung mga nag tr train. Naging Masaya na rin naman ako sa pag sakay sa bus. hindi man kasing bilis, at least hindi naman ako nahihirapan.
pero kahit na, ... may something pa rin na nangsasabi sken na gsto ko mag train. until that one horrible day. .... ilang train na ang pinalagpas nmen ni mads dahil puno na lahat ... nung finally may medyo okay ... turns out ndi pa rin pla ... pagbaba nmen ng train, naging masaya na lang kme pareho na buhay pa kme.
Ngayon eto ako. Kinakailangan mag train araw araw. tsk. Ngayon pa.
Sabi dun sa quote na napulot nmen nila Madel nung nag PNR trip kme: The best way to catch a train is by missing the first one. ... well, oo. ... nung mga panahon na nag tr train lang kme nila nikki at mads for fun, naniniwala ako sa kasabihan na yun.
hindi naman kasi kami nagmamadali e. kahit ilang train pa yung palipasin namin para makasakay sa kumportableng train okay lng.
Pero iba na ngayon e. kailangan kong mamili between comfort and time. parehong mahalaga yun para sakin e. Nasa punto ako ngayon ng buhay ko wherein I can't afford to miss the first train. hindi naman kasi ganun kabilis dumating yung susunod e. every minute counts. Kaya hahabulin ko yun kahit magkanda tisod tisod pa 'ko. ... pero minsan talaga wala ka nang magagawa dahil napagsarahan ka na ng pinto.
kailangan mo nang sumakay sa susunod. It's not like makakasabit ka sa umaandar nang train.
eto na nga yun ngayon ... sa susunod akong train sumakay habang nag co conceptualize ng blog post sa utak ko. ewan ko ba, ... bakit parang gsto kong bumaba sa susunod na station kahit ndi pa pwede. maaga naman ako umalis sa bahay ngayon e. hindi naman ako gaanong ma le late. Sana naghintay na lang ako sa susunod pa ulit na train. hindi ko alam, bakit nga ba ako nag mrt habang may hang over ako? ... gumising ako ng maaga for a reason --BALAK KO MAG BUS.
Hindi ko alam ... basta gusto ko lang makaalis sa station na yon. ... kaya sumakay na ako kahit may oras pa.
Simula bukas mag bu bus na lang talaga ako.
No comments:
Post a Comment