Oh .... wait ... It's mine ... hahaha =) ...

Wednesday, May 11, 2011

The quick brown fox jumped over the spilled milk

sabi nila dont cry over spilled milk daw. ... ewan ko .. pero ako naiintindihan ko kung bakit para sa ibang tao nakakaiyak ngang matapunan ng gatas ... ee masarap yun e ...


e pero ikaw? Bakit ka nga naman iiyak kung lactose intolerant ka naman?
fine, Masarap nga yung gatas. ... sayang kung matatapon ... pero kung iisipin mo ... matapon man un o hindi ... wala naman dpat maging kinalaman sayo yun ... kasi either way ... HINDI PA RIN PWEDE SAYO ANG GATAS


so ... bakit ka malulungkot? wala naman tlgang nawala ... nanghihinayang ka ba sa pinambili mo?
ee bakit ka naman kasi bibili ng gatas kung hindi mo naman maiinom?


isipin mo na lang ... kung naisipan mo pang sulitin yung pera mo at ininom mo pa rin yung gatas anyway... e' mas lalo lang hindi magiging sulit dahil mas lalo ka lang mahihirapan. magkaka rebolusyon lang jan sa tyan mo.


alam mo yun? ... kaya cheer up!


ang dapat mong gawin ... pumunta ka sa pinakamalapit na convenience store para convenient tpos bumili ka ing isang jumbo juice ... o kaya naman ng GULP big uhaw kung ung malapit na convenience store na napuntahan mo e 711 .... pero kung gsto mo naman mag lakad lakad muna ... edi kahit sa malayong convenience store na lang.


oo masustansya ang gatas ... madalas kailangan tlga un para sa katawan ng tao ... sadly, hindi un nag aapply sayo. ... e ganun e ... ganyan ung composition ng sistema mo e ... wala ka nang magagawa. kung gusto mo mag milo ka na lang. :D


oo minsan nakaka inis lang kse tuwing bubuksan mo yung ref nyo meron palaging fresh milk na nag he hello sayo ... tpos nakaharap pa palagi sayo yung nutritional fatcs nya ... na para bang sinasabing ... dali na! inumin mo na ko ... you know i'm good for you! ...


e kaso hindi ... it is good! that's a fact ... pero para sayo hindi e ... kaya wag na ... kahit pang lagay lang sa champorado mo wag na ... na try mo na bang mag lagay ng milo sa champorado? ... masarap rin naman ... mas chocolatey ... ma e enjoy mo rin yun.

kung hindi para sayo ang gatas pero gusto mo tlga ... kahit soy milk na lang :D

No comments: