Oh .... wait ... It's mine ... hahaha =) ...

Wednesday, July 27, 2011

1:11 am ... Invisible wall

1:11 na.
2 hours ago hindi ko alam kung ano bang gagawin ko sa sarili ko para paglabanan yung antok.
Dami pang kailangan gawin e.

Ngayon naman hindi ko malaman kung ano bang kailangan kong gawin para dalawin ulit ng antok.
Usually naman hindi kasing dalang ng opportunity yung pagdalaw ng antok sakin e ... tsk tsk tsk.
nagtampo siguro kasi pilit ko syang pinapaalis kanina.

Hindi ako makatulog.
ang bigat ng pakiramdam ko. ...
Hindi na ako malungkot ... tapos na ako malungkot tungkol dito e.

bothered ... siguro?



ewan ko. hindi ko nanaman alam,

Hindi naman abnormal yung sitwasyon natin na 'to e.
kaya ano bang ina arte arte ko?

Ewan.

Siguro kasi alam ko na may mali.
Siguro kasi alam ko na alam nating pareho na may mali pero mas madaling hindi na lang pag usapan.
Siguro kasi kung titignan mula sa perspective ng ibang tao, iisipin nila na wala namang nagbago. Pero ako, sabi ng pakiramdam ko sigurado daw sya na meron, parang nagkaron ng invisible wall. Sabi ng utak baka nag o over think lang daw sya ...

somewhere along the way may nag trigger sa invisible wall na yan. Kung pwede lang sanang i rewind at bawiin kung ano man yon.

kaso hindi pwede e. :(

Naiisip ko lang minsan ...
Hindi mo ba 'ko na mi miss??
kahit konti lang.
kasi ... kasi na mi miss na talaga kita.

Minsan gusto kong itanong kung ano bang meron?
kaso ndi e ...
magbigay ka lang ng sign na mas gusto mong kumuha na lang ako ng walis and sweep this under the rug ... yun yung gagawin ko.

Weak ... alam ko.
pero ganun e.

Pwede kong sabihin sa sarili ko na normal lang naman 'to. Na ganito rin naman tayo dati.
pwede kong gawin yun ...
kaso ... pano?
hindi na ako yung dating ako na kayang kayang utuin yung sarili nya.
Pwede kong sabihin yan ... pero alam ko naman na hindi ko rin paniniwalaan.

Normal lang naman talaga 'to e ...
tsk.

:(

Na mi miss lang siguro kita talaga ...
ako ba?



No comments: